Yesterday was the baccalaureate mass and recognition day (honor's assembly). Pictures
HERE.
Wala naman masyadong nangyari. (Wala daw?) Migy, Trixie, Aaron and I were included in the supposed proxy "Mass Choir". Nakakahiya nga eh. Magaling naman yung pari, magaling mag-magic! Weee! Napaka-entertaining nyang mag-homily kaso hindi ako naiyak dun sa thanking of people. Kalimitan ay yung mga teachers at parents ang umiiyak such as Ma'am Teng, Ma'am Del, Ma'am Eva (Nova), Ma'am Angie. Nakapagtataka nga at hindi umiyak si Mrs. J. [Ano ga iyon?!] Hehe....
E2 ung naintindihan ko sa homily ni Father; "To make coffee, you need coffee powder, a mug, some
hot water and Equal (fiber creamer?). But do you know what makes it sweet? No, it's not Equal, it's the stirring!" Weee! Talas ng memory ko noh? jowk!
Tapos nun e naganap
kaagad yung honor's assembly. Of course, dahil nagsawa talaga ako sa La Salle ay nagkaroon ako ng pinagpipitagang
Loyalty Award/Medal. Yun lang talaga siguro ang medal na makukuha ko sa hayskul. Matatalino talaga kasi mga ka-batch ko. Astig talaga ang Batch 2006! Then natapos din sa wakas ang recognition day! Weee!
Card Giving na ang sumunod. Dun ko nalaman na 85 lang ako sa COMPUTER!!!! Sa lahat ba naman ng subjects! Kasumpa-sumpa! Bea ROMAN, I will never forget you! grrrr.... arF! Kaya pala sumablay talaga ako sa 4th quarter. Kasi naman, napakawalang-kwenta ng lab. Binabahayan ng sandamakmak na virus! Imbis na makatulong sa estudyante, perwisyo ang dinudulot. [Parang sa Ekonomiks ang statement na yun ah...] Well,
WTF! Buhay nga naman o!
Dinaan ko na lang sa kain ang galit at panghihinayang ko sa grades ko. Pero at least ay makakagraduate na ako. So pumunta kami ng Max's Restaurant sa tabi ng future
SM Lipa kasama ang aking ina, si Tita Mayette at si Mutt. Dun nga din pala kumain si
Mina, ang parents nya at ang kanyang nakababatang kapatid. At biglang dumating ang
Marasigan Clan! As in clan, ang dami talaga nila! Siyempre, nagbatian kami at nagkwentuhan. Tapos sinabi ko kay Carmina ang maaaring mangyari sa Love Life kong walang pag-asa! Wahahaha! Parang bang "Conclusion of my Heart"? Medyo malapit sa kanta ni Lindsay Lohan.... LOL. Masarap naman yung pagkain kaso ambagal ng service sa Max. Tapos yun, dapat ay luluwas na sina Mutt pero sabi ko e magbasketball muna kaming dalawa sa kanila.
Tsaka ko naalala ang jacket ko/ng dad ko. Salamat talaga
AVIS!!!! Well, enough about that. So naglaro kami.... Shooting shooting muna. 5 out of 10 from 3 point area ako sa shooting na yun, ang gaganda kasi ng mga assists ni Mutt. Hehe.... Tapos, one-on-one kami. Nung makakalhati kami ng game ang score ay 8-11. (11 ako) Kaso di na ako nakashoot after nun, naubos talaga stamina ko kakabantay sa kanya. So natapos ay 20-13, talo ako. Tapos nun ay napagod na siya at naligo bago sila lumuwas papuntang BF Homes pero tuloy pa rin ako sa shooting. Well, may magagamit na ako next time.
Sky Hook at Fadeaway shot. Wahahaha! Then hinatid nila ako sa amin at iniwan sakin ni Mutt ung nasirang gitara. Ipapakita daw ata yun sa graduation as proof na may nasira. *no comment*
Tapos nanakit yung kamay ko. It was sore for throughout the night because of 3 hours of continuous shooting. Kaka
follow-through e. So tinulog ko na lang ang sakit. E may prayer meeting pa nun dito sa amin. Natulugan ko tuloy....
The next day, lumuwas ang parents ko sa San Pablo [it's about the apartment], at ang mga ate ko sa Manila [School thing]. So I was alone until 2pm ng hapon. Nag-imbita pa nun si Mina na mag-sine sa Rob nung madaling-araw. Mga 12 dapat ang meeting time kaso di ako makaalis ng bahay. Di naman daw nakapagreply si Mavic, walang maghahatid kay Avis at tulog pa si Mina nung mga time na yun. So in short, hindi rin na2loy. LOL. So naglinis na lang ako ng bahay. (Reflex nang maglinis e... hehe....)
Ininstall ko d2 sa comp namin yung counter-strike para kapag wala akong magawa. Hehehe....
Pumunta kami sa Robinsons nung gabi para kumain. Sarap talaga ng Big Time Meal C! Wahaha! Tataba na ata ako. Weee! Tapos eto, type ako ng post ko sa Blog ko. Balak kong mag-Pao Sessions bukas para at least before graduation. :D Wala lang.... Basta, Patience lang muna paiiralin ko ngayon kapag matters of the heart na ang pag-uusapan.... May nakapagsabi sa akin dati na malalaman mo na hindi
Infatuation ang nararamdaman mo if it exceeds the tests of time. [
Pero I'm thankful your presence in my life gave me the motivation again to continue living and accepting the challenges in my life.] Thank You sa mga taong nakilala ko at nakadaupang-palad sa
Buhay Hayskul! Ipag-pray din natin si Jiaan so he can be successful in the path he has taken. Gud Luck Jiaan! Kasama ka pa rin namin sa puso't isipan namin kahit malayo ka samin. :)
So, Monday ay ang
BIG NIGHT ng
DLSL Highschool Batch 2006! Congratulations sa ating lahat for a job well done these past four years. Kudos! Good Luck sa College Life!
CONCLUSION:Mahal ko kayong lahat!
Some may hate me, some may love me. Thank you for whatever appreciation you have....